Sinibak na janitor – sinunog ang paaralan sa San Carlos

Kasong arson ang posibleng haharapin ng isang janitor na nagsimula ‘di umano ng sunog sa isang paaralan sa San Carlos.

Sumuko na sa istasyon ng Pulis ang 58-anyos na suspek, isang araw matapos sumiklab sa apoy ang Daisy’s ABC School, kalakip pa ang ancestral house ng San Carlos Mayor Renato Gustillo.

Napag-alaman na sinibak ang suspek, matapos itong nahuli na naninigarilyo sa loob ng paaralan.

Minsan ay lasing din daw umano itong dumu-duty.

Dahil sa galit, bumili raw ito ng half gallon ng gasolina at inilagay ito sa tabi ng nakasinding kandila sa loob ng stock room na pinagmulan ng sunog. (with reports from LUCY MAY DADIVAS – 103.1 BNFM BACOLOD)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *