Siyam, kabilang ang dalawang bata, sugatan sa pamamaril sa isang water park sa Detroit

Sugatan ang siyam na indibidwal, kabilang ang dalawang mga bata, matapos mamaril ang isang armadong lalaki sa water park malapit sa Detroit.

Sa ulat – bumaba umano ang suspek sa isang sasakyan sa harap ng Brooklands Plaza Splash Pad park sa Rochester Hills, Michigan, at nagpaputok ito ng humigit-kumulang 30 beses mula sa isang 9mm semiautomatic na Glock.

Read More:  3 dead on cruise ship amid suspected virus outbreak

Sugatan at kritikal ang isang 8-anyos na bata matapos barilin sa ulo, habang stable naman ang kanyang 4-anyos na kapatid.

Ang kanilang ina ay kritikal din matapos matamaan sa tiyan at binti.

Samantalang, ang anim pa na biktima na may edad 30 ay nasa maayos nang kondisyon.

Read More:  7 dead after hospital wall collapse in India

Nakorner ang suspek sa isang kalapit na bahay, kung saaan namatay ang suspek matapos niyang barilin ang kanyang sarili.

Narekober sa pinangyarihan ng pamamaril ang isang baril at inilarawan ang suspek bilang isang 42-anyos na lalaki.

Hindi pa rin malinaw ang motibo sa pamamaril. (Justine M. Jumarang – Brigada News Intern)