NAGA CITY – Muling na-obserbahan ang hindi pagbibigay ng diskwento ng ilang padyak driver sa Naga City, matapos ang ilang reklamo ng mga pasahero lalo na ng ilang mag-aaral, at senior citizen.
Sa naging panayam kay Goody Sotero, Vice President at Dispatcher ng Abella Padyak Operator’s Driver’s Association, bagamat hindi direktang sa kanila nangyari ang ilang reklamo, kaya lamang sinabi nitong nangyayari din at ilan sa miyembro o driver nila hindi nagbibigay ng diskwento, kaya ang ginagawa sa panahon na may nagrereklamo kaagad nilang inilalapit sa Barangay, at barangay na ang nagbibigay ng penalidad, sa parte kasi ng asosasyon wala pang malinaw na polisiya hinggil sa paglabag o hindi pagbibigay ng diskwento.
Ayon naman kay Joey Peñas, Transport Regulation Chief ng Naga City Public Safety Traffic Management Division, mandatoryo ang pagbibigay ng diskwento sa mga Senior Citizens, Person’s With Disability at sa mga mag-aaral sa kahit anong pampublikong sasakyan. Kung may reklamo mangyaring lumapit lamang sa kanilang opisina, at dagdag pa nito kailangang magpakita pa rin ng identification card lalo na sa mga mag-aaral bilang pagbabalanse sa gitna ng driver at pasahero.