Nakatakdang umabot sa P1.034 trilyon ang pondong laan para sa mga lokal na pamahalaan sa susunod na taon ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
Ito ay base sa memorandum na inilabas nila kung saan mula P871.37 bilyong pondo ngayong taon ay aakyat ito ng 18% sa susunod na taon.
Ang dagdag na pondong ito ay base sa naging kalkulasyon sa tax revenue na nakolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs at iba pang ahensya.
Ayon sa ulat ng DBM, nasa 43,622 na lokal na pamahalaan sa bansa ang maaring magbenepisyo mula rito.