Replenishment ng paracetamol, inaasikaso na matapos ang shortage nito sa ilang botika ayon sa PHAP

Tiniyak ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) na kasalukuyan nang nagkakaroon ng replenishment ng paracetamol sa mga botika.

Ito ay matapos magkaroon ng shortage ng naturang gamot sa gitna ng mataas na demand para rito.

Inamin ni PHAP Vice President Jannette Jakosalem na pansamantalang nag-out-of-stock ang paracetamol sa ilang boktika.

Pero sinabi ni Jakosalem na kadalasan ang nauubos ay ang mga kilalang brand ng paracetamol analgesics.

Ipinunto niya na para sa brand na dala ng kanilang members ay patuloy nilang sinisigurado na nare-replenish kaagad ang requirements ng drug stores.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *