Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 26 na pasahero at crew ng distressed passenger vessel na MV APEKOP 2, humigit-kumulang isang nautical mile mula sa Port of Larena, Siquijor.
Ayon sa PCG, habang patungo sa Tagbilaran, Bohol, nakaranas ang passenger vessel ng fuel injection pump malfunction, kaya naistranded ito sa karagatan.
Gamit ang BRP Cape San Agustin, agad na nagsagawa ng rescue operations ang PCG.
Nasa maayos na kondisyon na ang mga pasahero at tripulante.
Hinila naman ng rumespondeng Coast Guard team ang nagka-aberyang passenger vessel sa Larena Port para sa pagsasaayos nito.