PRRD, nanawagan ng pagkakaisa at dasal sa araw ng Pista ng Itim na Nazareno

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte ng pagkakaisa at dasal para sa recovery ng bansa at paghilom ng sangkatauhan.

Sa mensahe ng Pangulo na inilabas kasabay ng Pista ng Itim na Nazareno ay ipinunto niya na hindi makakalahok ang mga deboto ngayon sa Traslacion na nagmarka sa naturang selebrasyon sa loob ng ilang siglo.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Pero sa kabila nito ay sinabi ng Pangulo na hindi dapat matigil ang pagpapakita ng panata sa pamamagitan ng pagdarasal para sa “recovery” at “complete healing”, lalo na mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Mababatid na idinaos ang Pista ng Itim na Nazareno nitong January 9.

Pero dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases, ay nakansela ang prusisyon ng imahen ng Itim na Nazareno mula Quirino Grandstand hanggang Quaipo Church.