Rehabilitasyon ng Barat Flood Control Structure, natapos na

Natapos na ang rehabilitasyon ng 360-meter Barat Flood Control Structure ng Sta. Cruz River na matatagpuan sa Barangay Barat Bambang Nueva Vizcaya.

Ayon sa Nueva Vizcaya 1st District Engineering Office, ang proyekto ay pinondohan ng P47.7 million, sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA).

Read More:  Man shot in the head while playing at Cebu computer shop

Sa pamamagitan ng nasabing proyekto, hindi na mag aalinlangan ang mga magsasaka na magtanim malapit sa ilog sa takot na masira tuwing may kalamidad gaya ng pagbaha.

Read More:  Cebu man hacks father to death after hearing ‘evil voices’

Layunin ng rehabilitasyon na maprotektahan ang mga mamamayan at ang kanilang mga ari-arian lalo na ang mga nakatira sa mababang lugar.