PCOL Lucio L. Simangan JR, itinalaga bilang bagong city director ng SCPO

Pinangunahan kahapon ni PRO 2 Regional Director PBGen Christopher Birung ang Turnover of Office Ceremony sa incoming at outgoing City Director ng Santiago City Police Office.

Pinalitan ni PCol Lucio L. Simangan Jr si PCol Tirso Manoli bilang City Director ng SCPO.

Sa kaniyang naging mensahe, pinasalamatan ni PBGen Birung si PCol Manoli sa kaniyang serbisyo at pamumuno sa upang mapanatili ang katahimikan at seguridad sa lungsod.

Pinayuhan din nito si PCol Simangan na sumunod sa mga kautusan ng Chief PNP at paigtingin ang implementasyon ng Project RONDA at laging tiyakin ang kaligtasan ng mamamayan ng siyudad.

Tampok sa aktibidad kahapon ang turnover of the office symbol, property book, at equipment inventory

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *