Anim na araw na pagsasanay sa mga tagapangalaga ng Northern Sierra Madre Natural Park, isinagawa

Nagsagawa ang DENR-CENRO Palanan, Isabela katuwang ang DA-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 2 ng anim na araw na capacity-building training sa mga staff ng Northern Sierra Madre Natural Park at Coastal and Marine Ecosystems Management Program field implementers sa Dimapula, Divilacan, Isabela.

Layunin ng naturang pagsasanay na malinang pa ang kakayahan ng mga kalahok sa pagsusuri sa coastal at marine resources maging sa mga isinasagawang habitat assessment sa protected area.

Kabilang sa itinuro ay ang reef fish identification, fish visual census methods, FVC data analysis, fish visual report interpretation at isang araw na actual field activity ay isinagawa rin upang matiyak na may natutunan ang mga partisipante.

Napatibay ng isinagawang pagsasanay ang samahan ng Local Government Unit, partner agencies at stakeholders hinggil sa pagprotekta at pangangalaga sa mga marine resources sa pamamagitan ng paghubog sa kakayahan ng mga field implementers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *