PH cybersecurity, pinangangambahan ng DICT matapos tapyasan ng confidential funds

Mistulang ‘open season’ daw ang ipinahihiwatig ng Pilipinas sa mga hackers.

Ito ay matapos tuluyang alisin ang confidential funds ng Department of Information and Communications Technology o DICT.

Tinanggal na kasi sa House version ng 2024 proposed budget ang hinihilang nilang confidential funds, kahit na kamakailan lamang ay nabiktima ng Medusa Ransomware ang PhilHealth.

Apela tuloy ni DICT Sec. Ivan John Uy – dapat ay mabigyan sila ng sapat na budget na magagamit naman sa pagpapalakas ng cyberscurity systems sa bansa.

Sabi ng kalihim – gagamitin daw sana ang kanilang hiling na pondo para sa imbestigasyon, intelligence gathering, at threat analysis sa mga atakeng may kinalaman sa cyberspace.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *