Celtics – handa nang rumesbak sa Mavs

Pinaghahandaan na ng Boston Celtics ang resbak nila laban sa Dallas Mavericks.

Ito’y makaraang maisahan sila ng Dallas sa Game 4 kung saan tinambakan sial sa iskor na 122-84.

Ayon kay Jaylen Brown – walang dahilan para mag-panic.

Aniya, kailangan nilang mag-reassemble, matuto mula sa pagkatalo at yakapin ito para harapin ang susunod hamon.

Para naman kay Jayson Tatum – no excuses ang solusyon para maipanalo ang kanilang susunod na bakbakan sa hard court.

Susubukan ng Celtics na masungkit ang ika-18 tittle sa NBA sa kanilang Game 5, bukas ng umaga.

3-1 na ang serye matapos bigong walisin ng Celtics ang Finals.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *