Senate Secretary, nilinaw na walang confidential funds ang Senado

Binigyang-diin ni Senate Secretary, Atty. Renato Bantug Jr. na tunay na pinanindigan ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang kanyang pahayag na hindi kailangan ng confidential funds ng Senado.

Kaugnay nito, nilinaw ni Bantug na wala o ‘zero’ ang kasalukuyang kalagayan ng confidential funds sa Senado.

Ito ay sa kabila ng mga naglilipanang post sa social media na nagsasabing mayroong inilaang P331 milyong pondo para rito.

Dagdag pa niya, ang tanging line item lang na mayroon ay ang “Extraordinary and Miscellaneous Expenses” na siyang ginagamit sa mga meetings, seminars, conference at iba pang gawain ng Senado.

Dagdag pa niya, malaki ang paniniwala ni Zubiri na mas kinakailangan ng CIF ng mga ahensya ng militar, pulis at iba pang uniformed personnel.

Kaugnay nito, tiniyak ni Senate Finance Committee, Senator Sonny Angara na pag-aaralan nila sa Senado ang mga ahensya ng gobyerno na makatatanggap lang nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *