Gordon Ramsay – na-aksidente sa biskeleta

Nasangkot ang celebrity chef na si Gordon Ramsay sa itinuturing niyang ‘really bad’ bike crash.

Sa isang post, ibinahagi ni Ramsay ang kaniyang pinagdaanan matapos ang isang bike accident.

Itinaas niya ang kanyang damit at pinakita ang natamo niyang sugat matapos ang insidente.

Kasabay nito ay mahigpit nitong pinaalalahanan ang kanyang mga fans na magsuot palagi ng helmet sa tuwing magbi-bisekleta.

Sinabi ni Gordon kung gaano kahalaga ang pagsusuot ng helmet at sabay sinabing “If I didn’t, honestly, I wouldn’t be here now”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *