Manila Health Department, naglabas ng paalala para sa paparating na Undas 2023

Pinaalalahanan ng Manila Health Department ang publiko na hanggang sa October 25 na lang ang paglilinis, pagpipintura at pagre-renovate ng mga puntod sa Manila North Cemetery.

Maliban pa roon, pansamantala muna ring sususpendihin ang mga interment operations mula October 28 hanggang November 2.

Samantala, pagtapak ng October 28 ay ipinagbabawal na rin sa loob ng sementeryo ang pagdadala ng mga alak, flammable materials at maging ng mga matutulis na bagay tulad ng kutsilyo at cutter.

Ito ay upang mapanatili ang kaayusan at seguridad ng bawat bibisita sa kanilang mahal sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *