PBBM inilatag ang rason kung bakit hindi iiwan ang pagiging DA Secretary

Inilatag ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang mga kadahilanan kung bakit hindi pa niya binibitawan ang pagiging kalihim ng Department of Agriculture.

Batay sa Presidente, marami pang mga importanteng pagbabago sa departamento, kung kaya’t kailangang isa-isahin ito.

Inisa-isa rin niya ang mga problemang kinakaharap ngayon ng bansa kagaya ng food supply, presyo ng pagkain at mga pataba, na sinusolusyonan sa tulong ng donasyon muna sa China.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Sa kasalukuyan, binibigyang pansin nila ang pagpaparami ng suplay ng pagkain sa pamamagitan ng pagtatanim hindi lamang ng palay kundi pati narin ng mais, ganoon din ang palaisdaan at ibang paghahayupan.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Nasabi rin ng Pangulo, na ang hanggat hindi natutupad ang kanyang hangarin na sigurado na ang suplay ng pagkain, mababa na ang bilihin at maayos na ang kalagayan ng mga magsasaka ay siya pa rin ang mananatiling kalihim ng Department of Agriculture. (MERCELL VELILA – Brigada Intern)