Lola, nahaharap sa kasong attempted murder dahil sa pagpatay nito ng oxygen supply ng kapwa pasyente sa ospital

ISANG 72 taong gulang na lola ang naaresto kamakailan sa Germany dahil sa dalawang beses na pagpatay nito ng oxgen supply ng kaniyang kapwa pasyente sa ospital.

Ayon sa panayam ng pulisya sa suspek, hindi umano siya makatulo dahil sa ingay ng oxygen machine supply kung kaya’t nagawa niya ito.

Noong unang insidente ay pinagsabihan na umano ito ng isang staff ngunit makalipas ang ilang oras  muli nitong pinatay ang makina ng oxygen supply.

Ayon naman sa kapulisan ng Mannheim, Southwestern, Germany, naaresto na nila ang suspek at kasalukuyang nahaharap sa kasong attempted murder.

Wala rin naman umanong malubhang nangyari sa 79-anyos na biktima, ngunit, kinailangan pa rin nitong sumailalim sa resuscitation.

Sa kaslukuyan, nasa correctional facility na ang suspek at nasa maayos na ring kalagayan ang naging biktima nito.|WENCY LISAY