Nilinaw ni Atty. Michael Poa, spokesperson ng DepEd na wala pa silang nilalabas na guidelines patungkol sa paggamit at pagdadala ng nauusong laruan lato-lato sa mga paaralan.
Sa halip, mas binibigyang pansin ngayon ng DepEd ang reponsableng pag-gamit ng gadyets sa mga paaralan dahil na rin sa naging papel nito para sa mga mag-aaral noong may pandemya.
Ayon kay Poa, mas nais nilang magamit ito bilang karagdagang tulong at hindi distraksyon sa mga estudyante.
Sa kasalukayan ay mamimigay na ng ‘e-learning cart’ na puro laptop at iikot sa mga classroom ng paaralan.
Mayroon ng 5000 e-learning carts na maaaring ipamigay sa ilang paaralan at sa pagpapatuloy ng programa ay sisiguraduhing magbigyan ang lahat sa mga susunod pang mga taon. (MERCELL VELILA – Brigada Intern)
