Pagpasok ng mga live hogs, karne at processed pork products sa bayan ng Bulan,  mahigpit na ipinagbabawal

SORSOGON CITY –  Mahigpit nang ipinagbabawal ang pagpasok ng mga buhay na baboy, karne at processed pork products sa bayan ng Bulan.

Ito’y matapos na magpalabas ang LGU ng Memorandum Order No. 021, series of 2022 na may titulong “ TOTAL BAN OF ENTRY IN THE MUNICIPALITY OF BULAN OF LIVE HOGS, FRESH PORKS, AND PROCESSED PORK PRODUCTS”.

Dahil dito tanging papayagan na katayin at maitinda sa Bulan Public Market ay mga baboy na sa nasabing bayan lamang nagmula o inalagaan.

Ang mga nagtitinda naman ng mga processed pork products, tulad ng longganisa, tocino, tapa at iba pa ay kailangan na makapagpresenta ng mga katibayan na hindi nagmula sa mga lugar na apektado ng African Swine Fever o ASF kanilang mga ititindang produkto.

Habang kukumpiskahin naman ang mga produktong de-lata na magmumula sa mga bansang mayroong kaso ng ASF tulad China maliban na lamang sa mga produktong aprubado ng Department of Trade and Industry o DTI.

Samantala, upang masiguro naman na istriktong maipatutupad ang nasabing kautusan isang ASF Monitoring and Enforcement Team ang binuo na kinabibilangan ng Market Administrator, Municipal Agriculturist, Municipal Police Station Chief, Municipal Disaster Risk Management Officer at Liga ng mga Barangay President.

Ang Memorandum Order ay bunsod ng napaulat na kaso ng ASF sa bayan ng Sta. Magdalena.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *