Bineberipika pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ulat na nagkaroon ng banggaan sa pagitan ng barko ng Pilipinas at China sa South China Sea.
Sa mensahe ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla sa Brigada News Fm Manila, sinabi nitong tinitingnan na nila ang source ng impormasyon ng Chinese media.
Tiniyak naman ni Padilla, na agad na maglalabas ng pahayag ang AFP oras na makumpirma ang naturang report.
Samantala, nang hingin naman ng media ang pahayag Philippine Coast Guard spokesperson for the WPS Commodore Jay Tarriela ukol dito, “no comment” lang ang kaniyang naging sagot.