Lalaki at alagang kabayo nito patay matapos makuryente sa bahagi ng South Upi, Maguindanao Del Sur

SOUTH UPI, MAGUINDANAO DEL SUR – PATAY ang isang lalaki at alagang kabayo nito matapos makuryente sa Sitio Guila-Guila Barangay Kuya, South Upi, Maguindanao Del Sur.

Kagabi, Hunyo 16, 2024. Ayon sa panayam ng BNFM-Lebak kay Engr. Efren Marquez, Area 3 Engr. ng Sultan Kudarat Electric Cooperative o SUKELCO, aniya noong gabi Hunyo 16, 2024 nang may matanggap silang impormasyon tungkol sa isang lalaki na nakuryente sa kanilang area.

Dali-daling pinuntahan ng crew ng SUKELCO ang lugar kung saan nangyari ang insidente, at nadatnan nga nila na nakahandusay at wala ng buhay na si Ronald Cornello, kasama ang alaga nitong kabayo.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng SUKELCO, ang biktima ay nanggaling sa inuman at nang pauwi na ay may nakita siyang kawad ng kuryente na tinatawag na duplex wire na kanyang hinala at agad itong nakuryente, na resulta ng kanyang agarang pagkamatay.

Dagdag pa ni Marquez ito ang kauna-unahang may namatay sa nasambit na Area nang dahil sa kable ng kuryente.

Samantala, Nananawagan ang ang SUKELCO sa lahat ng MCOs na di dapat mag DIY or do it yourself dahil pwede ito magiging mitsa ng disgrasya o maging kamatayan ng isang tao.

Di nagkulang ng paalala ang SUKELCO sa lahat ng MCOs na kung maaari sa mga eksperto lang dapat ipagawa o ipaayos ang mga sirang kawad ng kuryente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *