BGen. Nicolas Torre III, nag-assume na bilang regional director ng Davao Region Police

Nag-asssume na kahapon bilang regional director ng Police Regional Office 11 o Davao Region si BGen. Nicolas Torre III.

Maaalalang pinalitan ni Torre si Brig. General Aligre Lamsen Martinez na inilipat sa Personnel Holding and Accounting Unit dahil sa kontroberstal na raid sa property ni Apollo Quiboloy.

Ayon kay Torre, bilang isang pulis, trabaho nilang habulin o magsagawa ng manhunt operation sa mga wanted persons kahit sino pa ito.

Sa ngayon aniya, wala siyang natatanggap na specific instructions sa paghahanap kay Quiboloy at tanging ang natanggap niya , ay ang order to assume bilang regional director ng PRO 11.

Samantala, ipatutupad din ni Torre ang 3-minute response time na nauna niya ng ipinatupad noong siya’y hepe ng Quezon City Police District.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *