Barko ng Pilipinas at China – nagkabanggaan umano sa West Philippine Sea ayon sa China

Nagkaroon ‘di umano ng ‘collission’ sa pagitan ng mga barko ng Pilipinas at ng China Coast Guard sa Ayungin Shoal.

Sa ulat ng China Coast Guard – lumapit umano ito sa knailang barko at dito na nagkaroon ng banggaan.

Idiniin ng China na ‘ilegal’ daw na pumasok ang Pilipinas sa Ayungin Shoal.

Ito’y kahit na malinaw namang pasok ito sa ating teritoryo, at kumapi na rin ang UNCLOS sa ruling na pumapabor sa hurisdiksyon ng Pilipinas sa area.

Maaalalang ang Ayungin, ‘o ‘yung Second Thomas Shoal ay bahagi ng exclusive economic zone o EEZ ng Pilipinas.

Ibig-sabihin, ang China ang iligal na pumapasok dito, pero patuloy pa rin nilang binabalewala ang batas sa karagatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *