LEGAZPI CITY – Nabawasan na ang mga aplinateng pumipila sa Civil Service Commission (CSC) Bicol sa Brgy. Rawis, Legazpi City para sa Career Service Examination – Pen and Paper Test (CSE-PPT).
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay CSC Bicol Regional Director Atty. Daisy Punzalan-Bragais, sinabi niya na nawala na ang pila na magsisimula 3 ng umaga hanggang sa maghapon para lang makapagsumite ng mga dokumento sa nasabing examinasyon.
Malaking tulong din ang mga pagbabago na ginawa ng gobyerno simula nang magkaroon ng pandemya kung saan ay halos ay online na ang proseso ng mga dokumento sa examinasyon.
Sinabi pa ni Bragais, mas napadali at napagaan na ngayon ang proseso kumpara nitong mga nagdaang taon dahil sa online at pag-improved ng teknolihiya sa mga national government tulad ng CSC, SSS, PNP at iba pang agencies.