APLIC, nakatakdang magsagawa ng book pantry para sa mga paaralan, barangay at reading centers sa Albay ngayong araw

LEGAZPI CITY – Nakatakdang magsagawa ngayon ng isang Book Pantry ang Albay Provincial Library and Information Center (APLIC) para sa mga paaralan, barangay, at reading centers sa lalawigan ng Albay.

Layunin ng nasabing opisina na ang mga hakbangin na pang-edukasyon at itaguyod ang pagmamahal sa pagbabasa sa mga komunidad. Iniimbitahan ng APLIC ang nasabing mga benepisyaryo na pumunta sa kanilang opisina sa Peñaranda Park – Underground Level, Legazpi City.

Maaari umanong pumili ang mga dadalo mula sa isang malawak na hanay ng mga aklat upang mapaganda at maayos ang kanilang mga koleksyon ng libro sa kani-kanilang mga silid aklatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *