Pagpapanatili ng Single-term limit ng pangulo, pinaboran ng mayorya – SWS

Lumabas sa panibagong survey ng Social Weather Stations na pabor ang mayorya ng mga Pilipino na mapanatili ang single six-term limit ng pangulo ng Pilipinas, na base sa 1987 Constitution.

Isinagawa ang survey mula June 23-26, 2021 kung saan ay makikita na 75% ng adult Filipinos ang sangayon na maipagpatuloy ang pagsunod sa single six-year teerm limit.

Read More:  Tinio says Marcos should not ‘wash his hands’ over reported ₱24-B leadership fund

Nasa 14% naman ng mga sumagot ng survey ang undecided, habang 11% ang hindi sangayon.

Read More:  BIR extends tax filing deadline amid Habagat, eBIRForms issues

Ipinapakita nito ang net agreement score na +64 na tinukoy ng pollster na “very strong”.

Iminungkahi naman ng 11% na nag-disagree sa single term limit ang average na pitong taon na panunungkulan ng isang pangulo at average na 2.1 para sa ang bilang ng termino.