Senate panel, naniniwala na malakas ang kaso nito laban sa mga opisyal ng Pharmally

Kumpyansa ang Senate Blue Ribbon Committee na malakas ang kaso nito laban sa mga executives ng Pharmally Pharmaceutical Corporation at sa mga opisyal ng gobyerno.

Kaugnay ito ng mga anomalya umano na natuklasan sa procurement ng bilyon-bilyong piso na halaga ng COVID-19 supplies.

Sinabi ito ni Senator Francis Pangilinan sa gitna ng mga problema na kinahaharap ng Senado sa dalawang opisyal ng Pharmally, kabilang na si Linconn Ong na naka-detain sa Senado at kay Krizle Grace Mago, na nanatiling incommunicado.

Read More:  Cayetano seeks suspension of NBI Chief Matibag

Iginiit ni Pangilinan na maraming dokumento at testimonya ang pwedeng magamit laban sa mga sangkot sa procurement ng mga kwestyonableng COVID-19 supplies.

Read More:  Lawyers group offers aid to cop in viral rider incident

Ipinunto ng senador na ang pag-amin pa lang na nasayang ang P550-million sa biniling COVID-19 test kits ay sapat na para makasuhan ang mga opisyal.

Ang tinutukoy ni Pangilinan ay ang pagtanggap ng Procurement Service ng Department of Budget and Management sa testing items mula sa Pharmally kahit tatlong buwan na lamang ang natitira bago ang expiration date nito.