Pumalo na sa 182,125 na indibidwal o 35% ng target population ang maituturing na bilang fully vaccinated laban sa COVID-19 sa probinsya ng Bohol.
Base sa datos ng Bohol Inter-Agency Task Force (BIATF) ay makikita na nasa 175,998 na residente na ang nakakumpleto ng first dose.

Mula noong Marso, ay umabot sa 456,692 COVID-19 vaccine doses na ang natanggap ng Bohol.
Kailangan ng probinsya na mabakunahan ang 961,871 ng 1.39-million nitong residente para makamit ang herd immunity.
Samantala, nitong Miyerkules naman ay naitala ang 161 bagong kaso sa probinsya na dahilan para umangat ang bilang ng mga aktibong kaso nito sa 1,751 habang ang death toll nito ay nasa 450.