Paglalagay ng maling impormasyon sa birth certificate, maaaring makaapekto sa civil status – PSA Bicol

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Philippine Statistic Authority (PSA) Bicol na mayroong pagkakataon na sa kanilang records ay hindi tama o may typographical errors o kaya naman ay error talaga.

Ayon kay PSA Regional Director Cynthia Perdiz, kung mali ang nailagay na pangalan, kasarian, buwan o lugar ng kapanganakan sa birth certificate ay maaaring makaapekto sa civil status.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Ang civil status ay karapatan o prebilihiyo ng isang tao na makapag asawa o bumoto.

Dahil dito, magkakaroon ng problema ang isang tao sa oras na mali ang pagkakasulat sa kanyang pini-fill up-an na sample certificate, kung kaya’t kinakailangan itong ayusin upang maitama bago maibigay ang original na birth certificate na authenticated.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Binigyan-diin din nito na ang corrections ay hindi basta-basta papalitan ang enrty, dahil gagawin pa ito sa pamamamgitan ng marginal annotations.

Sinabi ng opisyal, kinakailangan pa rin kumuha ulit ng panibagong kopya dahil annotated ito na nagsasabing mayroong pagpapalit ng kanyang certificate.

Dagdag pa nito, hindi dapat itinatapon ang birth certificate dahil permanente ito sa tao.