Learning recovery plan (LRP), isasagawa sa mga paaralan – DEPED Bicol

LEGAZPI CITY – Nagsasagawa na umano ang iba’t ibang paaralan sa Bicol region ng Learning Recovery Plan (LRP) sa mga estudyante na nahuhuli o mahihina sa pag-aaral.

Ayon kay Regional Director Gilbert Sadsad ng Department of Education (DEPED) Bicol, marami sa mga mag-aaral ang nakaranas ng kakulangan sa pag-aaral na dala ng pandemya ng coronavirus disease (COVID-19) kaya ipapatupad ng Learning Recovery Plan.

Read More:  1 dead after Cebu hot pursuit turns into gunfight; Police officer hit

Layunin nito na hindi lamang ibalik ang mga mag-aaral sa paaralan, kundi upang ayusin din ang epektibong remedial learning at suportahan ang kanilang kagalingan at sanayin ang mga guro.

Isa pa sa layunin nito ay magbigay ng higit na atensyon sa literacy at numeracy skills ng mga mag-aaral na naapektuhan ng lockdown at self-learning approach sa panahon ng pandemya.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Dagdag pa nito, sa reading comprehension program, ang mga schools division offices, districts, at schools ay magpapatupad ng Brigada Pagbasa Program para mag-ambag sa pagpapabuti ng reading proficiency ng struggling learners.

Ang mga prayoridad nito ay magmula sa Grade 4 hanggang 6 at sekondaryang mga mag-aaral.