Nakagat ng asong may anti-rabies, dapat pa ring magpabakuna – City Vet

Binigyang diin ng pamunuan ng City Veterinary Office na dapat at kailangan pa rin na magpaturok ng bakuna kontra rabies ang isang taong nakagat ng aso kahit pa nga ang nasabing hayop ay mayroong anti-rabies vaccine.

Ayon kay City Veterinarian Dr. Alexander Destura ito’y upang matiyak na ang biktima ng dog bite ay ligtas sa nasabing viral disease.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Aniya, sa katunayan ang Department of Health at ang kanilang opisina ay hindi na umano naghihintay o nag-oobserba pa at outright o agarang nagbibigay ng anti-rabies vaccine sa sinumang nakagat ng aso bakunado man ito o hindi.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Hakbang umano ito upang matiyak na protektado ang nakagat lalo pa at hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang rabies ay nakamamatay.