Nangako si Senator Christopher ‘Bong’ Go na patuloy niyang itataguyod at susuportahan ang pangangailangan ng mga Pilipino, lalo na ‘yung mga nahaharap sa krisis.

Sa ginawang pamamahagi ng tulong ng kaniyang team sa Vigan City ay Caoayan, Ilocos Sur – kapwa tiniyak ni Go ang suporta ng Gobyerno para sa kanila.
Kabilang na rito ang pamamahagi ng mga negosyo kits kasabay na rin ng pagtuturo sa kanila kung papaanong palalaguin ang akni-kanilang mga businesses.
Ibinida rin ni Go ang in-author niyang panukala na One Town, One Product (OTOP) Philippines Act.
Sa ilalim nito, matutulungan ang mga MSMEs sa bansa at mapo-promote pa ang mga produktong nagmumula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.