Naga City, may pinakamataas na porsyento ng mga Senior Citizen nakatanggap ng 1st at 2nd dose ng COVID vaccine sa Bicol

NAGA CITY- 52% na ng nasa masterlist ng Naga City para sa A2 priority o mga senior citizen ang nakatanggap ng 1st dose ng COVID-19 vaccine.

Ito ay base sa tala ng Department of Health Bicol nitong Hulyo 6, 2021. Pinakamataas na porsyento ito kumpara sa ibang mga lungsod at probinsya sa rehiyong Bicol. Sinusundan ng 21% ng Legazpi City at lalawigan ng Catanduanes.

8, 585 ang masterlisted sa priority group A2 ng lungsod, 4,501 ang nakatanggap na ng 1st dose habang 1,311 pa lamang sa 2nd dose o 15 % naman sa coverage, pinakamataas din sa rehiyon subalit may 6, 371 pa na hindi nakakatanggap ng 2nd dose.

Samantala , nitong nagdaang araw may mga nadagdag pang walk-in na nais magpabakunang senior citizen. Nagpapatuloy din ang registration online at manual.

Ayon kay COVID-19 Vaccine Program Coordinator ng DOH-Bicol Dr. Rita Ang-Bon, kailangan pang bilisan ang pagbabakuna sa mga seniors upang tumaas pa hanggang sa 90% ang vaccination rate sa rehiyon para sa A2  ngayong Hulyo.

Nitong Hulyo 5 may 300 na mga naka schedule senior citizen ang hindi sumipot sa Naga dahil umano ayaw o nagdadalawang isip sa brand ng bakuna na Sinovac.  

Pakiusap ni City Health Officer Dr. Butch Borja, sumunod sa ibinigay na schedule sa mas sistematikong vaccination roll out.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *