DOLE – binatikos ang basehan ng pagkakabilang ng Pilipinas bilang isa sa ‘worst countries for workers’

Naniniwala ang Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi katanggap-tanggap ang naging pag-aaral kung saan ay napabilang ang Pilipinas sa isa sa mga ‘worst countries for workers’.

Sa ilalim ng pag-aaral ng International Trade Union Confederation’s (ITUC’s), pasok ang Pilipinas sa naturang listahan sa loob ng walong taon.

Read More:  Marcoleta says threats to Guteza’s life and family may have driven his recantation

Ayon dito, hindi raw nagagarantiya ang labor rights ng mga Pilipino, at nakararanas din ng karahasan ang mga unyonista sa bansa.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, sinabi nitong hindi ito ang aktuwal na kalagayan ng bansa.

Ani Laguesma, bagamat mayroong mga kaso ng labor issues, tinutugunan na rin nila ito.

Read More:  DPWH warns public over fake documents using Secretary Vince Dizon’s signature

Isolated cases lang din umano ito, at hindi sumasalamin sa buong labor sector sa bansa.

Ipinagmalaki rin nitong na-elect ang Pilipinas sa International Training Centre.

Ibig-sabihin, may committment sa convention ang ating bansa para pangalagaan ang kapakanan ng mg