Registered Solo parents sa Naga city kabilang sa mga sektor na tinutulungan ngayong may pandemya

NAGA CITY –Nasa apat na libong ang mga rehistradong solo parents sa Naga City ngayon na siyang isa sa inaalagaang sektor dahil sa krisis na dala ng pandemya.

Ang bilang ng ito ay tiyak na madagdagan pa dahil sa on-going pa rin an registration online.

Read More:  Police track suspect behind online bomb threat in Negros city

Regular ang ayudang ibinibigay ng LGU sa mga solo parents mula sa medical assistance, sa edukasyon ng  mga anak nito at maging sa pagkain.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni City Councilor Elmer Baldemoro na siyang co-chairman ng Committee on Family, Women and Gender Development sa konseho.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Sa panayam sa kanya, sinabi nito na isa ang sektor na ito sa labis na naapektuhan ng kasalukuyang pandemya dahil sa karamihan sa mga solo parents ay mga nagta-trabaho para sa kanilang anak o pamily ngunit limitado lamang ang galaw.