BNFM BICOL – PINAGHAHANDAAN na ng lokal na pamahalaan ng bayan ng San Andres Catanduanes, kasama ang SK Municipal Federation at Municipal Youth Development Office ang gaganaping Mobile Blood Donation Activity sa Hulyo 4, 2024.
Isasagawa ang aktibidad sa San Andres Rural Health Unit, sa Brgy. Salvacion, simula alas otso ng umaga.
Layunin nitong suportahan ang Republic Act 7719 o National Blood Services Act of 1994 sa pagtataguyod ng boluntaryong pagbibigay ng dugo upang matiyak ang sapat at ligtas na blood supply.
Kaugnay nito, hinikayat ang publiko, particular ang mga may kakayanan na maging blood donors edad 18 – 60 taong gulang, may timbang na higit sa 50 kilo, at hindi buntis na makiisa sa aktibidad.
Ayon sa National Blood Transfusion Service, regular na pagbibigay ng dugo ay makababawas ng panganib na magkaroon ng heart attack at iba pang malalang karamdaman. ### Rumer Grant, Intern