“Tindahan mo, e-Level Up Mo!” Program ng DTI, inilunsad

BNFM Bicol-INILUNSAD ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Sari-Sari Store Advancement Program (SSSAP) para sa lahat ng mga Sari-Sari stores ng bansa nitong nakaraang Hunyo 26.

Layunin ng programang ito na pinamagatang “Tindahan mo, e-Level Up Mo!” na makapagbigay ng karagdagang kaalaman patungkol sa tamang pamamalakad at pamamaraan ng pagnenegosyo tungo sa pagpapahusay ng financial literacy, pagtataguyod ng sustainable business practices at digital transactions ng mga sari-sari store owners para sa mas matatag na ekonomiya.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Nagkaraoon naman ng pop-up setup sa DTI Albay Provincial Office na dinaluhan ng 35 sari-sari store owners habang aabot naman sa 50 ang dumalo sa online seminar via zoom.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Samantala, sa kabuuan, umabot sa 266 na sari-sari store owners sa buong Bicol ang nakikiisa sa nasabing programa. ### Nico Merciales, Intern

Photo from DTI Region V