Mga tropa ni Putin, naghahanda ng pag-atake sa south – Zelensky

Nagbabala si Ukraine’s President Volodymyr Zelensky na naghahanda umano ang Russia ng “powerful strikes” sa south ng bansa o sa Donbas, kabilang na ang napasok na Mariupol.

Senegundahan naman ng Washington ang naturang assessment, kung saan sinabi ng isang senior US defense official na ang pagtutok ng Russia sa Donbas ay maaring magresulta ng mas mahabang gulo.

Kaugnay nito, naniniwala naman ng military experts na gumagawa ng mahigpit na plano ang Moscowpara maka-abanse sa multiple axes sa north, east at south, matapos mahirapan na matalo ang stronger-than-expected Ukrainian resistance.

Samantala, sa kanilang peace talks naman nitong linggo, sinabi ng Russia na ibababa nila ang pag-atake sa capital Kyiv at sa lungsod ng Chernigiv, pero hindi kumbinsido ang Ukrainian at Western officials, at sinabing nagre-regrouping lang ang tropa ng Moscow.

Para naman kay Zelensky, ang hakbang ay bahagi lang ng taktika ng Russia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *