Mga opisina ng pamahalaan sa Naga at Camarines Sur walang pasok ngayon kaugnay ng ika- 445th Founding Anniversary ng lalawigan

NAGA CITY- Walang pasok sa mga opisina ng pamahaan sa Naga at Camarines Sur ngayon kaugnay ng pagdiriwang ng ika- 445th Founding Anniversary ng lalawigan.

Batay sa Republic Act No. 9410, ang bawat Mayo 27 ng taon ay deklaradong special nonworking public holiday sa probinsya kasama ang Naga City kahit na independent City ito.  Naga City ang kabisera noon, pero sa bisa ng RA 1336 ang Pili na ang naging capital town. Dalawa ang lungsod sa Camarines Sur; Naga at Iriga sa ikalimang distritro. Bikol, Buhi-non, Rinconada at Partido Bicol naman ang mga dialekto rito.

Ang tourist guide crew na si Adonis Rodriguez ng Caramoan, masaya kung dumaragsa ang turista sa kanilang bayan, sa ngayon tatlong mga bansa ang ginagawa ang international Survivor reality competition. Ngunit nais nito na maimprove pa ang estado ng mga kalsada sa lalawigan, mapayabong ang cultural arts, pati makilala ang mga tradisyun at kultura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *