Ilang low lying areas sa Partido Area, maswerteng hindi binaha sa kabila ng pag-uulang dala ng bagyong Aghon

CAMARINES SUR — Maswerteng hindi na umabot pa sa pagpapatupad ng force evacuation dahil sa pagbaha ang mga nasa low lying area sa ilang bayan sa Partido Area sa kabila ng pag-uulang dala ng bagyong Aghon nitong linggo.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Noli Pielago, ang operations officer ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office – Sagñay, bagaman mayroong naitalang pagkabagsak ng ilang maliliit na debri ng bato sa mataas na bahagi ng Barangay Patitinan, sa monitoring nila hanggang umaga nitong linggo, walang naitalang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga flood and landslide prone areas partikular na sa Barangay Sibaguan, Bongalon, Sagñay-Tiwi Road at iba pa.

Ayon naman sa MDRRMO San Jose, ang pahintu-hintong ulan at hindi masyadong malakas na epekto ng bagyo ang nagbigay-daan upang hindi bahain ang mga bahaing lugar lalo na sa Barangay Kinalansan, hindi tulad noong mga nakaraang bagyo. Sa bayan ng Tinambac, ganoon rin, bagaman may mga tumumbang puno at humarang sa daan, agad naman itong naalis, ayon sa disaster-response team.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *