Tuluy-tuloy ang pagtitiyak ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), pati na rin ng Department of Migrant Workers (DMW), na makukuha ng mga Pilipinong tripulanteng sakay ng Houthi-hit ships, ang nararapat na kompensasyon para sa kanila.
Nakipagdayalogo ang DMW at OWWA sa manning agency ng nawawalang seaferer na MV Tutor.
Ayon kay OWWA adminstrator Arnell Ignacio – layunin nilang mapataas pa ang benepisyo o settlement sa ating kababayang nawawala.
Bago ito, una nang naipaabot ng pamahalaan ang higit P200K na halaga ng financial assistance para sa ating kababayan.
Inaasikaso na rin umano nila ang scholarship sa kanilang mga anak.