‘Dark side’ ng kasaysayan ng Pilipinas – dapat din umanong mapasama sa ituturong history sa mga kabataan

Bukas naman ang grupo ng mga guro sa naging order ni Pangulong Bongbong Marcos kay incoming Education Sec. Senator Sonny Angara, na ituro ang history sa mga learners.

Pero para kay Benjo Basas – chair ng Teachers’ Dignity Coalition, dapat ay mas maging malalim pa ang pag-aaral sa kasaysayan.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Sa isang panayam, sinabi ni Basas na hindi dapat malimutan ang ‘dark side’ ng ating history.

Ibig-sabihin, dapat lahat ng anggulo at panahon ng ating kasaysayan ay maituro sa mga kabataan – kabilang na rito ang martial law era.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Aniya, para tunay na maintindihan ng mga estudyante ang totoong pagka-Pilipino – dapat ay malaman din nila, hindi lamang ang mga positibo; kundi pati na rin ang mga negatibo sa ating kasaysayan.