Limang araw na Agri trade fair sa PNP Cam. Sur malaki na ang kinikita

NAGA CITY- Malaki ang generated income sa isinagawang Agri-Trade Fair sa PNP Camarines Sur na huling araw ngayon.

Ayon kay spokesperson Police Major Maria Victoria Abalaing naging matagumpay at maganda ang taon-taong isinasagawang agri-trade fair sa loob ng nasabing lugar, inaanyayahan rin nila ang mga kababayan na pumunta at makapamili pa. Mayroong mga sari-saring gulay at prutas, mga kakanin, itlog na maalat, banana chips, dishwashing liquids at makukulay na mga handmade figurines, lamp at marami pang iba.

Read More:  Self-taught barista aids farmer’s group in Sipalay City
Read More:  Teen mom killed by ex in Cebu after breakup

Samantala, pinapanatili rin nila ang pagkakaroon ng peace and order at harmonious relationship sa pagsasagawa ng nasabing programa, mahalaga ang maitutulong na hatid nito upang mabigyang saklolo ang iba’t-ibang mga local farmers sa Camarines sur.