Biodiversity Monitoring System sa Mt. Isarog, muling isasagawa ng CENRO Naga

NAGA CITY – Matapos na maudlot, at makalipas ang pitong buwan, muling isasagawa ng Naga City Environment and Natural Resources Office ang Biodiversity Monitoring System sa Mt. Isarog, lalo na ang pagmonitor sa Flora and Fauna.

Sa panayam kay Alex San Jose, OIC – Chief Watershed Management Division, layunin ng aktibidad na makita ang kasalukuyang kondisyon ng mga protected areas sa Mt. Isarog, trend ng mga species o hayop gaya ng unggoy, baboy rabo at iba pa, mga puno at mga halaman, lalo na’t napag-alaman na ilang puno ang natumba dahil sa bagyo. Sa ganitong paraan nalalaman kung anong mga hakbang o interbensyon ang gagawin upang mapangalagaan ang mga ito.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Ayon pa sa opisyal nitong 2023 huling monitoring walang gaanong naging pagbabago, o nawala na mga hayop na mahigpit ring binabantayan lalo na’t dati may ilang naninirahan sa loob mismo ng bundok na ngayon muling makikipag-usap sa Barangay Panicuason dahil may ilang ginagawang taniman ang ilang part e ng bundok mula sa ilang residente na ito ay bawal.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Ang naturang aktibidad ay gagawin sa Hulyo 18-19, at kaagad na magkakaroon ng resulta.