2 babae nagkagatan dahil sa lalaki; daliri naputol

Nauwi sa away ang pag-aagawan ng dalawang babae sa lalaki na pareho silang ini live-in sa Barangay Pooc sa Talisay, Cebu.

Ayon sa otoridad na sumama umano ang lalaki na 33-anyos sa bago nitong nakilalang babae at iniwan ang 43-anyos na kinakasama.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Hinanap umano ng 43-anyos ang lalaki at doon nito naabutan sa bayan ng Dumanjug at nagpang-abot sa 30-anyos na bagong live-in partner ng lalaki.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Nagkagatan ang dalawa hanggang sa maputol ang daliri ng bagong live-in partner ng lalaki kaya isinugod sa bahay pagamutan.

Dinala din sa ospital ang 43-anyos dahil sa mga sugat na natamo.