Licensing and Enforcement Division ng Department of Health- Bicol nag ikot sa mga ospital sa Camarines Norte

camarines norte – Nag-ikot sa mga ospital sa Camarines Norte ang mga taga Licensing and Enforcement Division ng Department of Health- Bicol noong nakaraang linggo.

Nagkaroon din ng pagpupulong kasama ang mga pribadong ospital, lying-in clinic at Rural Health Unit at saka naman sinunod ang Provincial Regulatory Conference kasama ang mga government health facilities.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco kabilang sa mga isyung tinalakay bukod sa licensing ay ang tungkol sa tamang pagtrato sa mga pasyente.

Dito ay nagpaalala umano ang DOH sa mga umiiral na batas tulad ng pagtanggap sa mga pasyente kahit walang deposito lalo na kapag emergency situation.

Hindi rin umano dapat nagmimistulang hostage ang pasyente dahil lang sa kawalan ng mga ito ng pambayad sa ospital.

Napag usapan din aniya ang tungkol sa mga serbisyong dapat mayroon ang isang ospital.

Sa Provincial Regulatory Conference ay nabigyan na  ng certificate of completion ang Labo District Hospital.

Sa ngayon ay 20 hanggang 30 bed capacity ang License to Operate ng ospital pero i- uupgrade din umano ito sa 50 to 70 bed capacity.

Malawak naman daw kasi ang ospital kaya kahit hanggang 100  pasyente ay kayang i- accommodate dahil sa ginawang expansion at ngayon ay nire- renovate pa ang lumang ospital.

Ang problema lang rin aniya ay ang kakailanganing manpower sa pag upgrade ng isang ospital.

Hindi pa nabigyan ng licensing certification ang Capalonga Medicare and Community Hospital dahil mayroon pang mga requirements na dapat isumite na gagawin ngayong linggong ito.

Posibleng sa sunod na buwan naman ang Camarines Norte Provincial Hospital dahil hindi ang region kundi ang Central Office ng DOH ang nagmomonitor sa compliance ng isang Provincial Hospital.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *