LGU Mercedes nagpahayag ng suporta sa ginagawang Brigada Eskwela

CAMARINES NORTE – Nagpahayag ng suporta ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes sa ginagawa ngayong Brigada Eskwela

Kahapon ay isinagawa ng kick- off ceremony sa naturang bayan kung saan nagkaroon ng motorcade at parade na hudyat ng pormal na pagsisimula ng aktibidad.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ayon sa Municipal Information Office, ang aktibidad ay dinaluhan  ng mga guro, magulang at iba pang volunteers.

Mababatid na isa ang Mercedes sa walong bayan sa Camarines Norte ang naglalaan ang pondo taon- taon sa Brigada Eskwela bagay na ipinagpasalamat ng DepEd.

Tema ng Brigada Eskwela ngayong taon ay  “Bayanihan Para sa Matatag na Paaralan”  alinsunod sa  sa DepEd  memo no. 021 s  2023 na ipinalabas ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Layon nito nag awing functional, clean and orderly ang pagbubukas ng klase sa August 29.