Lalaki sa Oas, Albay, arestado sa kasong illegal posession of firearms and ammunition

LEGAZPI CITY – Inaresto ng mga tauhan ng Oas PNP ang 33 anyos na lalaki dahil sa kasong illegal possession of firearms sa Brgy. San Juan ng nasabing bayan.

Kinilala ang suspek na si alyas “Voltaire” na residente ng Brgy. Ilaor Sur ng kaparehong bayan.

Sa report ng PNP, isang incumbent na barangay official ang nagtungo sa himpilan ng pulisya upang i-report ang kahina-hinalang lalaking gumagala sa kanilang barangay na may dalang baril.

Agad na pinuntahan ng mga tauhan ng pulisya ang lugar at nang makita ang suspek na may dalang baril, hinanapan nila ito ng kaukulang dokumento subalit wala itong naipakita kaya’t tuluyan itong hinuli.

Nakumpiska sakanya ang isang baril na may label na 1191-A1 caliber .45 na may kasamang magazine at may kargang pitong cartridge.

Inihahanda na ng mga otoridad ang kasong isasampa sakanya na paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act kasabay ang paglabag sa COMELEC gun ban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *