Publiko, binalaan ng DPWH 12 laban sa mga ‘unauthorized solicitation’

KORONADAL CITY- NAGPALABAS ng public advisory ang Department of Public Works and Highways o DPWH Region 12 laban sa mga indibidwal na gumagamit ng pangalan ni Regional Director Basir M. Ibrahim at nag-sosolicit ng pera.

Ayon sa DPWH 12 na kailanman ay hindi si Director Ibrahim nagsasagawa ng anumang unauthorized, fraudulent, o unlawful activities dahil bilang government official, tumatalima ito sa prinsipyo na nakasaad sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (Republic Act 6713).

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Kaugnay nito, nananawagan ang ahensya sa publiko na mag-ingat at huwag makipag-transaksyon sa sinumang indibidwal o grupo na nagpapanggap na representante ng DPWH.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Nananawagan din ang DPWH 12 na ireport ang mga kaduda-dudang tao o mga unauthorized solicitation sa pamamagitan ng DPWH Region 12 – Soccsksargen Facebook Page o sa Stakeholders Relations Service nga 304 – 3370 at DPWH hotline number na (02) – 156-02.