Elected at re-elected barangay and SK officials sa Legazpi City, pormal nang nanumpa

LEGAZPI CITY – Pormal nang nanumpa ang mga elected at re-elected barangay at SK officials sa lungsod ng Legazpi.

Isinagawa ito mula kaninang alas otso ng umaga sa Legazpi City Convention Center sa pangunguna ni Mayor Gie Rosal, kasama sina DILG Albay Provincial Director Ray Caceres at iba pang konsehal sa lungsod.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

ISINAGAWA kaninang 8am ng umaga ang oath taking ceremony sa mga bagong halal, reelected na barangay officials at SK sa Legazpi City Convention Centr (LC3)

Ayon sa alkalde, hindi pa nila matukoy kung ilan ang mga dumalo sa aktibidad dahil inimbitahan ang mga opisyal mula sa 70 barangay ng lungsod at wala silang pinili.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Umaasa si Rosal na ang mga bagong upong opisyal ay makikipagtulungan sa lokal na gobyerno pagdating sa mga programang ibinababa sa kanila.